Wednesday, August 8, 2012

Pinoy, Gumising na tayo!

Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo. Kasabihang tunay na tama. Sa panahon ng tag-ulan, may bagyo man o wala ay iisang mukha lang ang ating makikita.

"Baha" hindi lang sa iisang lugar, o metro manila kundi buond NCR ay binaha. Nagsimula sa gutter level patungong knee level hanggang umabot ng lagpas tao at worst is pati second floor ng bahay ay inaabot na.

Hindi na ba tayo matututo mga pilipino? Kahit anong gawing proyekto ng gobyerno sa pilipinas kung tayong mga mamamayan ay iresponsable pa rin, wala tayong patutunguhan.

Mag-aalarma ang gobyerno na magsilikas na pero ang mga tao aantayin pa na mabingit sa kamatayan bago humingi ng saklolo. 


Magmamakaawa pa ang mga rescuers na magsilikas na sila para mailigtas lang. Tapos bandang huli kapag hindi napuntahan ng rescuers ay magagalit at sasabihing hindi sila inala-ala.

Mga pinoy, matututo na tayo. Ano ba ang ugat ng unos na dinaranas natin ngayon? Walang iba kung hindi ang "Iresponsableng Pagtatapon ng Basura ang Pagpuputol ng mga Puno".

Oo tama ka, "BASURA at PAGPUPUTOL NG PUNO."

Ang ulan talagang dumarating yan sa kahit saang lugar sa mundo lalo na sa ating bansa na napapaligiran ng karagatan.

Kung walang mga barang basura sa mga ilog, creek, kanal at saan mang daluyan ng tubig ay hindi magiging ganyan kagrabe sa ating bansa.

Kung responsable lamang tayo sa pagtatapon natin ng basura, magiging maayos ang lahat ng drainage system natin. Kung hindi tayo walang habas na magpuputol ng mga puno, hindi lalambot ang lupa at bibihira ang mga land slide na iyan. Wala ring "flash floods."

Matatalino tayong mga pilipino, sana nakikita natin at nadarama kung ano ang nais nitong ipahiwatig sa atin. Sa aking pananaw, isa lang ang solusyon.

"Maging responsableng mamamayan", wag iaasa lahat sa mga namumuno. Nasa kanila ang proyekto at paggawa, nasa ating mga mamamayan naman ang solusyon para sa ikatatangumpay nito.


Pinoy, Gumising na tayo!




1 Nakiusyoso sa usapan:

T.R.Aurelius said...

tama!!!!!

hindi naman lahat ng oras eh gobyerno lang kumikilos para sa lahat, matuto rin dapat tayong kumilos ng tama...

saludo ako sa post mo na toh!!

www.theoscasanova.blogspot.com

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review