Friday, October 12, 2012

Lakbay Buhay

Naghihihiyaw dala-dala ang magandang balita
Positibo na, Sambit sa harap ng kanyang pamilya
Dalawang guhit na asul kitang kita sa hawak nya
I 'm preggy! I'm preggy! Sambit ng iyong tuwang tuwang ina.

Araw araw hinahawakan, hinihintay ang iyong paglabas
Marami ang humuhula, sa itsura mo hanggang sa panglabas
Ilong na malaki, malamang isang lalaki itong malakas
Pahayag ni Ama, na nagnanasa ng maganda para sa iyong bukas.

Dumating ang panahon, ikaw ay lalabas na
Inakalang lalaki, kabaligtaran pala ang hula
Makinis ang kutis, manang mana ka sa iyong ina
Sabay ng pagpikit nya, ang iyak mo na kay sigla.

Hirap at sarap kanilang nadarama
Puyat at pagod kapalit ang ngiti mong nagbibigay ng gana
Mula sa pagsilang hanggang sa pagdadalaga
Alalay ng iyong mga magulang, iyong tinatamasa.

Ngunit lumipas ang panahon nag-iiba ang iyong direksyon
Mga utos at payo, iba ang iyong nagigiging desisyon
Pagsuway ang gawi, anung sakit sa kanilang mga ambisyon
Ambisyong para sa iyong kinabukasan, unti unting nawawalan ng solusyon.

Sa pagtatapos ng kanilang buhay hanggad pa rin ang kasiyahan
Hindi para sa kanila, ngunit para sa iyong kinabukasan
Kahit naging suwail, wala silang pinagsisisihan
Isang Anghel noon, ngayon ay makasalanang naglalaro sa apoy ng karimlan,

Huli na nang dumating, wala ang kanyang mga magulang
Ni hindi ka man lamang nakahingi ng iyong kapatawaran
Huli na ang lahat, sising sisi ka sa iyong naging kakulangan
Ni hindi ka man nakapagpasalamat, sa pagpapalaki ng iyong mga magulang.

Sa nangyaring ito ikaw ay natauhan
Baluktot na landas unti unti mong winakasan
Isinapuso at sinunod ang mga pangaral ng iyong mga magulang
Ngayon ay namumuhay sunod sa mga pangaral tungo sa kabutihan.

Nakakapanghinayang lang huli na ng matauhan
Wala na si ina'y at itay kinuha na ng kalangitan
Nakakalungkot ding isipin kung hindi pa nawala ay di matatauhan
Walang talagang magulang ang magnanasa na mapariwara ang ating mga kinabukasan.


Ang Tulang ito ay kalahok sa:  SARANGGOLA BLOG AWARDS 4



 

















At ang mga SPONSORS:




  











5 Nakiusyoso sa usapan:

JonDmur said...

may emosyon ang tula... nangyayari talaga yan sa tunay na buhay.... minsan sa huli mo na makikita ang pagkakamali mo bilang isang anak....

Ang mahalaga naglakbay man siya sa maling landas sa kanyang pagdadalaga eh nagawa pa niyang magbago... kahit huli na ang lahat..... Goodluck sa entry ^^

Archieviner said...

Nakakalungkot pero tama. Sapol ako dito. Good luck sa entry mo nato. btw i followed ur blog. 1st time ko dito. hope u visit my blog din:)

denggoy said...

ouch! laging nasa huli talaga ang pagsisisi.. Goodluck sa entry! ;)

LhanLhan said...

salamt po sa mga comment =)

Juan Tanong said...

ganda ng tula, nararamdaman... Semidoppel here

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review