Wednesday, December 5, 2012

Mga dapat gawin sa mga babae

Wala lang natuwa lang ako sa nakita kong ito sa facebook account na may nakalagay din kung sinong angmamay-ari. (sendahpinoy.com)

Sa mga guys, we should know about this.

Mga dapat gawin sa mga babae;



Dapat Nilalapitan - Hindi Pinapalapit -alam ko sa panahon bibihira ng makakita ng lalaki ang unang lumalapit. Kumbaga, iba na ang mga kababaihan sa ating henerasyon ngayon. Pero sa mga tunay na lalaki dyan, ganto pa rin dapat tayo. Tayo na ang maunang lumapit at hindi ang mga babae. Girls, kayo naman, ibalik ninyo ang pakipot moves ng mga sinaunang henerasyon ng hindi kayo nababastos ng husto.


Dapat Nililibre - Hindi Pineperahan -Kahit naman dati uso na to, karamihan sa mga ganito ay yung kulang sa pagmamahal. Yun bang gagawin na ang lahat mahalin lang ng lalaki - kahit ikaubos pa ng kayamanan. Sa inyo naman mga guys, wag naman sana tayong ganito. Mas masarap gastusin ang pera sa babaeng tunay na minamahal mo. Pero kung pera lang talaga ang habol mo, talagang di ka gagastos nyan.


Dapat Sineseryoso - Hindi Niloloko -Seryoso naman kapag nanliligaw. May palasing lasing pa nga pag nabasted eh. Ang tanong dito kung kelang magseseryoso ang mga lalaki. Kaya girls, eto ang una nyong tignan kung may mga manliligaw kayo. Dito papasok ang konting pakipot para makita nyo talaga kung seryoso si lalaki. Yung pang-loloko dumarating yan, choice na nya ung kung gagawin nya.



Dapat Pinapasaya - Hindi Pinapa-asa - Marami namang paraan ng pagpapasaya eh. Kahit simpleng bagay lang sasaya ang mga babae. Kahit dalin mo yan sa turo turo at tuhog tuhog na mga pagkain sasaya yan. Basta ikaw ang kasama at tunay ang pag-ibig mo. Mapapansin mong pag di masaya si babae, may ibang gusto yan. Napipilitan lang siguro sayo.


Dapat Ina-alagaan - Hindi Pinababayaan -Depende na sayo kung paanong alaga. WAg naman sobra kasi baka masakal.


Dapat Nirerespeto - Hindi Binabastos - Yung ibang babae gusto yung medyo bastos. Pero wag namang sobrang bastos na nakakasira na ng pagkatao. Alagaan mo na lang wag mo bastusin. Pero kung bastusan talaga ang gusto eh hala bastusin mo na!


Dapat Ipinagmamalaki - Hindi Ikinahihiya -Tignan mo muna kung dapat bang ipagmalaki. Kung sa ugali ka titingin, ipagmalaki mo ang kagandahan nito. Pero kung sa itsura, bahala ka na kung pano mo mapapakitang hindi mo sya kinahihiya. Supposed to be naman pag mahal mo, ipagmamalaki mo. Kung di nyo maramdaman yun girls. Break them up. Di ka nyan mahal. Bukaka lang ang hanap nyan.


Dapat Pinapangiti - Hindi Pinaiiyak -Tulad ng sinabi ko kanina, kung pano mo mapapasaya ang babae eh nasa sayo na. Ganun din ang pagpapangiti. Yung iyak natural yan. Mabibilang yan. Pero yung di mabilang ngiti - yun ang mahala.


Dapat Inuuna - Hindi Binabalewala -Uunahin mo ba sila kesa sa dota? Bahala ka. Kung gusto mo mawala sila, unahin mo si Mirana, Luna, Lina, Akasha at iba pa. Kung ayaw mo namang mawala sayo GF mo, Alt Q+Q kana sa dota. Unahin mo ang mahal mo bago kapa maunahan ng iba.


Dapat Minamahal -Hindi Sinasaktan -Ay eto ang wag na wag mo gagawin. Lalo na kung sa pisikal na pananakit. Brad, mabububog ka dito pag ginawa mo to. Ibigay mo na lang ang buong pagmamahal mo. Wag ang buong lakas mo para manakit.

7 Nakiusyoso sa usapan:

JonDmur said...

agree ako diyan... tama lahat ng nasabi mo ^_^ dapat minamahal ang mga babae at di sinasaktan...

jobologist said...

ay dapat lang naman.

Archieviner said...

Tama ka dyan. Dapat nga eto :)

Benjie Cantuba said...

magaling. halatang bolero rin ang nagsulat niyan.
marami akong natutunan salamat lhan

AS&A Development Corporation said...

tama po ito..yung mga lalaki ang gagaling manakit ng mga babae., pag yung babae ang manakit sa lalaki, tingin nila napakasama na ng girl...diba????

LhanLhan said...

@benjie - hahaha. bolero na gad? =)

@jobologist, Archieviner and JonDmur - salamat sa comment =)

@As&amp - tama!

De Torres Mario said...

kaya nga mahal na mahal ko gf ko . at kahit mag kalayo kami d ko sya nakakalimutang ipagdasal na sana lagi syang safe at lagi ko syang naalala . gumagawa ako ng oras para sa kanya.. mahal na mahal ko sya. kahit minsan d maintindhan ung ugali nya. d ko sya papalitan.. lanie ikaw na talaga .. hehehe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review