Tuesday, August 21, 2012

Hanggang Kailan

Di na mapakali simula ng magkasala
Pag-ibig mong wagas unti unti na yatang nawawala
Nang dahil sa pagkakamali ako ngayo'y nagmamaka-awa
Lubos na pagpapatawad hanggang kailan ko mukukuha

Sa kanya'y gabi't araw ang aking pagdarasal
Haplusin ang iyong puso, upang makita ang aking bagong asal
Sidhi ng damdaming nagnanais kahit na iyong masampal
Makamtam lamang ang pag-asang hinihiling ko sa may kapal

Sana makita mo ang sariling pagbabago
Pangakong di na umuling gagawin, yan ang paninidigan ko
Aking itatakwil anumang lalapit na tukso
Ramdamin mo ang aking mga matang lawang nagdurugo

Sa paglipas ng panahon, hangad ko pa rin ang kapatawaran
Kapatawarang buong puso na walang pag-aalinlangan
Kalinawan sa isip na ito'y hinding hindi na mararanasan
Sapagkat ako'y nangangako, kailanman, sumpa man...





Thursday, August 9, 2012

Balik blogspot dot com

Balik muna sa blog spot dot com ang inyong lingkod. Nag expire na pala ang aking isang taong domain. Pero siguro kukunin ko ulit to sa mga susunod na araw o mga lingo o buwan.

Depende sa budget. Di ko rin naman masyadong nagagawang maging active ang notbuk ni lhan. Tuloy pa rin ang aking blog pero dot blogspot na lang muna.

Salamat sa mga nagbabasa (kung meron) hahaha. Sa ngayon, pahinga muna si dot com.

Wednesday, August 8, 2012

Pinoy, Gumising na tayo!

Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo. Kasabihang tunay na tama. Sa panahon ng tag-ulan, may bagyo man o wala ay iisang mukha lang ang ating makikita.

"Baha" hindi lang sa iisang lugar, o metro manila kundi buond NCR ay binaha. Nagsimula sa gutter level patungong knee level hanggang umabot ng lagpas tao at worst is pati second floor ng bahay ay inaabot na.

Hindi na ba tayo matututo mga pilipino? Kahit anong gawing proyekto ng gobyerno sa pilipinas kung tayong mga mamamayan ay iresponsable pa rin, wala tayong patutunguhan.

Mag-aalarma ang gobyerno na magsilikas na pero ang mga tao aantayin pa na mabingit sa kamatayan bago humingi ng saklolo. 

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review