Friday, November 30, 2012

Sana ngayong pasko

Dati pag nagwiwish ako tuwing sasapit ang pasko ay puro gadgets, trips at kung anu ano pang materyal na bagay. Ikaw?

Ganun naman talaga diba? Nabubuhay tayo sa materyalistik na mundo. Kung saan ang mga tao ay tila sumasya kapag may mga bagong gamit oh gadgets na napapasakanila tuwing sasapit ang pasko.

Ipad, Ipod, PSP, PS3, DSLR, Digital Camera, Cellphone ay iilan lamang. Syempre ako gusto ko rin yang mga yan. Pero sa mga simpleng taong katulad natin ay tama na ang magkasama sama ang isang pamilya sa pagsapit ng Pasko at Bagong taon.

Kanina ng ipinakita ang bagong schedule namin sa buwan ng disyembre ay hindi ko naiwasang magpakita ng kalungkutan. 

Paano ba namang hindi ka malulungkot, duty ako ng Dec. 25 ng umaga. First time ko sanang makakaranas na magpasko na kumpleto na ang aking pamilya. 

Yun bang, first time kong magpasko na may anak na, first time kong maisasama ang baby kong mamasko, first time ko yun. Excited nga ko eh. Pero hindi naman pala matutupad.

Pagdating sa dulo Dec 31 naman, duty na naman ako ng umaga. Ayos na sana eh kasi gabi naman ang kasiyahan. Ang nakakalungkot lang ay yung may pasok naman ang asawa ko ng gabi ng disperas ng bagong taon. First time na naman sana, pero naudlot na naman.

Nakakalungkot, nakakadepress. Gusto na ata tumulo ng luha ko pero syempre pinaglabanan ko. Tapos may kung ano pa kong naririnig na alam kong pagsisimulan lang ng away kaya't binale wala ko na lang.

Sana naman naisip nila na first time ko. First time naming mag-asawa. First time kong makakasama ang pamilya ko ng buo sa ganitong panahon. Sana naman hindi na nila pinag-kaila.

Pero anong magagawa ko, wala naman. Gustuhin ko man, ayoko na lang mag react at mas piniling manahimik na lang at dito na lang sa pagboblog ko ilabas.

Pinaka-nakakalungkot ay yung wala akong magawa. Wala naman akong lakas eh. Wala naman akong say. Wala...

Ganun pa man, alam ko magiging masaya pa rin ang pasko naming magpapamilya. Sana magkaroon ng isang araw na magkabonding ulit kaming pamilya.

Sana magkaroon ng kahit isang araw lang na walang iniisip na kapintasan sa bawat isa. Isang araw na walang bangayan, isang araw na tanging pag-ibig ang nagdidikta ng kasiyahan. 

Isang araw na bumalik ang aming kasiyahan sa isa't isa. Isang araw na bumalik ang tiwala at manumbalik ang dating pag-iibigan. Isang araw lang please. 
 
Kahit isang araw lang.

Sana. Kahit ngayong kapaskuhan lang. ='c




Tuesday, November 20, 2012

Help po! Pa-LIKE ng Pic ng Baby ko...

















Mga Kaibigan! Ako po ay humihingi ng kaunting pabor lamang. Ito ay ang pag LIKE sa unang pic ng baby ko na aming isinali sa isang contest.

Kung type nyo ang smile ng aking baby Bela ay I-LIKE lamang ang Chelsey's Fashion Page.

At I-LIKE ang picture ng aking Baby.

I-Click lamang ang link na ito. BELA PICTURE.

Pacomment din po para makasama sa voting =)

Salamat po!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review