Friday, April 5, 2013

Mga bweset daw sa buhay

Ang dame nga namang bweset sa buhay kung di ka masaya sa sarili mo. Or yung may bitterness sa puso mo. Syempre kung walang bitterness, hindi mo papansinin or wala ka ng time para sa mga taong ito.

Kumbaga nga, sa lahat ng nangyayari sau di mo alintana ang mga negative vibes. Always positive vibes lang dapat ang ineentertain natin.

Pero hindi eh, mayroon at mayroon talagang mga ganito sa buhay. Aminin man natin oh hindi, nasa sa atin na kung pano natin sila ihahandle.

Malay mo, bweset ka rin pala para sa kanila. =)


Mga ilang bweset daw sa buhay nila;


Mga taong kilala ka lang pag may kailangan sau - marami nyan, nakapaligid yan. Makikilala mo lang sila pag ikaw na ang nangailangan.


Kaibigan ka pag may pera ka - parang ung nasa itass lang din to, ang pinagkaiba lang PERA ang dahilan.

Kahit nabigyan mo na, madamot ka pa rin - badtrip diba? binigyan mo na, kulang pa. Hindi nakukuntento ang mga taong ganito. So minsan mas magandang panindigan mo na lang ang pagiging madamot.

Masama ang loob pag hindi mo napagbigyan - ayun na nga, minsan ipapaalala pa sau na may utang na loob ka. So anu? Kapag may ginawa kang tama dapat bumawi ka kahit minsan labag na sa batas or hindi mo na kayang ibigay? Damn that.

Hindi marunog magpasalamat - mas galit ako sa mga ganitong tao. Syempre, natulungan mo na't lahat lahat pero ni simpleng "ty" wala kang maririnig. Oportunista ang mga ganitong tao para sa akin. Nakakabweset talaga.

Inggitero / Inggetera - toinks, lahat na lang nang makita sa ibang tao gusto meron din sya. Kahit di na kaya basta may maipagyabang lang. Nakakaawa sila.

Nagtatago kapag sya ang meron - MADAMOT in short. Bilog naman ang mundo, nasa ibabaw lang sya naging ganyan na ang ugali. Iikot din yan, sa susunod sila naman ang mangangailangan. Hayaan mo na, magiging inggetero ka lang pag umasa ka sa kanya. Mamaya sabihin nya lumalapit ka lang pag meron sya.

Hindi natutuwa pag umaangat ka - isa pang INGGITERO / INGGITERA. Walang bilib sa sarili. DI kayang umangat mag-isa ng hindi nanghahatak ng pababa. Mas mahirap pag meron kang kakilalang ganito. Malulugmok ka, dapat alam mo pano mo ito lalabanan.

Kaibigan ka daw pero inilalaglag ka - back stabber. Marami nyan, FRENEMIES ang tawag dyan. Nagpapanggap na kaibigan pero pagtalikod mo inilalaglag ka ng todo. Magingat ng husto sa mga taong ito. Isang NAKAKABWESET na nilalang.

Mapagimbento para mapagtakpan ang masamang ugali nya - Hay sus. Maaangat nga lang ang sarili sa iabang tao kahit imbento na lang ipagyayabang pa. Syempre para sila ang bida at ikaw ang magiging masama. Hay grabe.

Sipsip - ewan ko ba kung ano nakain ng mga to. Eh kulang nalang dilaan ang mga bukong bukong ng mga amo nila makasipsip lang. Para maiangat ang sarili at makapang laglag ng iba. Ito ang PINAKA BWESET sa laahat. Umiwas ka na pag may mga ganitong mga tao. Wala silang hanggad na mabuti para sa iyo. Pansarili lamang.


Oh, ilan lamang ang mga yan ha. Nasa sa atin na kung pano natin sila ihahandle. Payo ko lang, keep your self busy para wala ka ng time para mabweset sa mga taong yan. Always be positive!







0 Nakiusyoso sa usapan:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review