Wednesday, July 24, 2013

Sampung Utos ng mga Maglalasing

Ang 10 Utos ng mga maglalasing

1. Huwag Makulit habang umiinom - baka masuntok ka. Tandaan pareho na kayong lasing.

2. Huwag matakaw sa pulutan - wag kang KUNGFU - Kung Pumulutan pangdalawahan!

3. Huwag patagalin ang baso at mayroong naghihintay ng tagay - wag mo patagalin, ayaw mo lang malasing ng husto. Gusto mo puro kwento! Tumatakbo ang oras oh!

4. Huwag uminom ng uminom, kailangan bumili ka rin - puro ka inom, pag oras ng bilihan at patak patak na sasabihin tama na? Tapos pag may bumiling iba inom pa rin? Kapal mo pre! Hahaha.

5. Uminom ng diretso sa tiyan wag sa ulo - sabi nga, pag may problema ka at ininom mo, ilagay sa tiyan. Wag ka maghanap ng away at tiyak pagsisisihan mo pagkatapos.

6. Huwag biglang mawawala sa inuman, magpaalam kung aalis na - ito yung tinatawag na Boy Bula. Bigla na lang mawawala sa di mo alam na kadahilanan. Wag namang ganyan, pwede namang magpaalam.

7. Magtira ng panglakad, kahit hinlalaki ng paa - syempre, wag ubos ubos lakas. Pag may time tira tira din ng panguwi mga pre. Baka sa kalsada na makatulog. Nakakhiya pagising mo.

8. Huwag matutulog habang umiinom - Yung tipong Ctrl + Alt + Delete na. Hahaha. Tandaan mo lahat kayo lasing, baka mapagtripan ka. Ikaw rin!

9. Siguraduhing sa bahay uuwi kung lasing na - Siguraduhin mo, kung hindi patay ka! Away yan kung may asawa na!

10. Huwag matakot sa asawa - Tama! Matakot ka sa biyenan mo! Hahaha.


Tapos. =)





0 Nakiusyoso sa usapan:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review