Tuesday, December 10, 2013

10 Rules for dating my daughter

Sa paglaki ng ating mga anak na babae, natural lang sa ating mga tatay na maging protective sa mga ito. Natuwa ako at nagustuhan ko ang nakita kong isang picture ng tatay na may suot na sampung rules for dating her daughter.

Kaya napaisip din ako. Girl ang first baby ko. So swak na swak sa akin ito sa paglipas ng panahon. Mabilis lang naman ang panahon at isang araw mamamalayan na lang natin na malalaki na ang ating mga anak.

Gusto ko lang ishare ang isang ito. Ang sampung rules para mai-date mo ang aking anak na babae.


- Get a job. (syempre unang una to dapat. lakas naman ng loob mo tambay ka manliligaw ka pa)



- Understand I don't like you. (naranasan ko to nung umpisa )

- I'm everywhere (akala mo lang wala, pero lagi kaming nagmamasid na mga tatay, lalong lalo na sa iyo)

- You hurt her, I hurt you (wag mo ng subukang magpakita pa saken pag ginawa mo yan. magdasal ka na)

- Be home 30 minutes early (papunta ka pa lang pabalik na ako. nagawa ko ng mga yan. kaya alam ko ng karakas ng mga lalake)

- Get a lawyer ( wag ka ng magpalusot, humanap ka na lang ng abogado mo kung may ayaw ka sa mga sinasabi ko)

- If you lie to me, I will find out (malalaman ko kung nagsisinungaling ka. Madali ko yang mararamdaman. Kaya wag mo nang subukan)

- She's my princes, not your conquest (prinsesa kong ituring mula ng pagkabata, hindi mo kailangang alilain matapos mong mapasagot at mapa-oo. Kung ano ka sa simula, gawin mo hanggang huli. Nang magkasundo tayo.)

- I don't mind going back to jail (ilang taon lang naman bubunuin ko para sayo. Kaya wag mo ng subukan kung kakayanin kong makulong para lang sa anak ko)

- Whatever you do, I will do to you (lahat ng ginagawa mo sa anak ko, gagawin ko sayo. Kaya kung mamahalin mo sya, mamahalin din kita)


Oh ano, gets nyo ba mga binata? Wag nang subukan kung hindi nyo kakayanin ang mga utos naming mga ama. 

Hala uwi!



1 Nakiusyoso sa usapan:

Cyron Agustin said...

ang alam ko, walang matinong lalake sa babaeng magaling umanggulo. haha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review