Saturday, June 29, 2013

Magaling ka mag-isip Mam

isang araw, nagdala ang teacher ng isang bag na puno ng prutas...

TEACHER: class, ipapasok ko ang kamay ko sa bag at ide-describe ko ang hawak kong prutas tapos huhulaan nyo, ok?

CLASS: yes ma'am

TEACHER: (pinasok ang kamay sa bag) ang unang prutas ay bilog, mapula, at makinis

JUAN: (nagtaas ng kamay) mansanas ma'am

TEACHER: mali ka, (nilabas ang hawak) macopa ang hawak ko pero magaling ka mag-isip. next (pinasok ang kamay sa bag) ang hawak ko ay dilaw, makinis, at may patulis sa dulo

NENE: (nagtaas ng kamay) saging po ma'am

TEACHER: mali ka, (nilabas ang hawak) mangga ang hawak ko pero magaling ka mag-isip. next...

PEDRO: (nagtaas ng kamay) ma'am ako naman

TEACHER: pedro, wala pa akong sinasabi nagtaas ka na ng kamay

PEDRO: ako naman po ma'am ang magpapahula

TEACHER: sige nga

PEDRO: ipapasok ko ang kamay ko sa bulsa ko at may hahawakan ako. ito ay bilogan, matigas, at may ulo

TEACHER: ang bastos mo namang bata ka...bastos yang hawak mo eh

PEDRO: mali ka, (nilabas ang hawak) piso po ang hawak ko pero magaling ka rin naman mag-isip ma'am

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review