Wednesday, July 24, 2013

Sampung Utos ng mga Maglalasing

Ang 10 Utos ng mga maglalasing

1. Huwag Makulit habang umiinom - baka masuntok ka. Tandaan pareho na kayong lasing.

2. Huwag matakaw sa pulutan - wag kang KUNGFU - Kung Pumulutan pangdalawahan!

3. Huwag patagalin ang baso at mayroong naghihintay ng tagay - wag mo patagalin, ayaw mo lang malasing ng husto. Gusto mo puro kwento! Tumatakbo ang oras oh!

4. Huwag uminom ng uminom, kailangan bumili ka rin - puro ka inom, pag oras ng bilihan at patak patak na sasabihin tama na? Tapos pag may bumiling iba inom pa rin? Kapal mo pre! Hahaha.

5. Uminom ng diretso sa tiyan wag sa ulo - sabi nga, pag may problema ka at ininom mo, ilagay sa tiyan. Wag ka maghanap ng away at tiyak pagsisisihan mo pagkatapos.

6. Huwag biglang mawawala sa inuman, magpaalam kung aalis na - ito yung tinatawag na Boy Bula. Bigla na lang mawawala sa di mo alam na kadahilanan. Wag namang ganyan, pwede namang magpaalam.

7. Magtira ng panglakad, kahit hinlalaki ng paa - syempre, wag ubos ubos lakas. Pag may time tira tira din ng panguwi mga pre. Baka sa kalsada na makatulog. Nakakhiya pagising mo.

8. Huwag matutulog habang umiinom - Yung tipong Ctrl + Alt + Delete na. Hahaha. Tandaan mo lahat kayo lasing, baka mapagtripan ka. Ikaw rin!

9. Siguraduhing sa bahay uuwi kung lasing na - Siguraduhin mo, kung hindi patay ka! Away yan kung may asawa na!

10. Huwag matakot sa asawa - Tama! Matakot ka sa biyenan mo! Hahaha.


Tapos. =)





Wednesday, July 10, 2013

Pa LIKE and pa Follow lang po mga guys
















Di ko naman plano na maging isang Property Sales Agent noong una, pero simula ng makakuha kami ng wifey ko bahay dito eh na-engganyo na akong magbenta ng bahay at lupa.

Sa isang salita, Real Property Sales agent ang bagong part time career na sinusubukan ko ngayon. Sa Lancaster New City sa Alapan, Imus Cavite ang location nito.

Malaki ang Lancaster, nasasakop nito ang tatlong lugar sa Cavite, ang Imus, Kawit at Gen. Trias. Kaya ang mga binebentang lupa't bahay rito ay napakarami. 

Noong unang pumunta pa ko noong March eh napakaraming property pa ang binebenta at sa halos apat na buwan ay napakarami pa rin nito dahilan kung kaya't pa expand sila ng pa expand ng property.

Sa una nagtanong lang ako kung malaki ang kita, hanggang sa naging interesado na ako at sa ngayon ay nakabenta na ako ng 2 property. 

Gumawa na rin ako ng sariling Facebook Fan Page na CaviteHomeInvestments at twitter account na @Cavite_Homes na aking hinihiling sana na inyong iLIKE ang page sa Facebook at i-Follow sa twitter  mga kaibigan.

Sa maliit na pamamaraan nyong ito ay napalaki na rin ang maitutulong nito sa akin. Muli sa aking mga kaibigan, kamag anak at sa lahat, pa LIKE lang po ang pa-Follow.

Salamat po!




Wednesday, July 3, 2013

Sais lang

Juan: Miss, Magkano daw ang SULYAP?

Miss: Sulyap? May presyo ba un?

Juan: Oo naman miss.

Miss: ewan ko di ko alam. So magkano nga?

Juan: Sais.

Miss: Sais?

Juan: Oo, SAIS :) SAIS - ang sulyap mo ay nabihag ako.


Toinks! Hahahaha

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review